The Communist Revolution in Cuba is a sign of the kingdom of God, a Cardinal said.

In the exercise of his functions, Cardinal Evaristo Arns, former Archbishop of São Paulo, Brazil, sent a letter of congratulations to Fidel Castro on the 30th anniversary of the Cuban Revolution.

In November 1988 the letter was delivered to Castro by Friar Betto, one of the Brazilian leaders of Liberation Theology. The official organ of the Cuban Communist Party, Granma, published that letter on January 6, 1989. Some days after, the Brazilian press published it as well.

Given the surprising content of the correspondence, doubts arose whether the letter was authentic. Soon afterwards, however, Friar Leonardo Boff, also present in Havana, confirmed that he had witnessed its delivery to Castro. Boff added that the latter sent a copy of the letter to Cardinal Jaime Ortega of Havana before passing it to the Granma. Cardinal Ortega granted his approval for its publication.

The polemic on the authenticity of the document continued until Cardinal Arns himself publicly confirmed that he had written the letter (second clipping below right). He added that he had sent a copy to the Vatican as well.

The clipping of O Estado de São Paulo (Jan. 19, 1989), where the full text of the letter is reproduced

Translation from the Portuguese of the highlighted parts.

São Paulo, Christmas 1988

My dearest Fidel,
Peace and good will.

I take advantage of Friar Betto’s trip to send an embrace to you and salute the Cuban people on the occasion of this 30th anniversary of the Revolution. We all know the heroism and sacrifice of the people of your country in resisting internal aggressions and eradicating misery, illiteracy and chronic social problems. Today Cuba can feel proud to be an example of social justice on our continent, so impoverished by external debt.

In the conquest of the [Cuban] Revolution, the Christian Faith discovers the signs of the kingdom of God that manifests itself in our hearts and in the structures that allow us to make our political conviviality a work of love …

Unfortunately, favorable conditions still do not exist for a meeting to take place between us … I have you present daily in my prayers, and I ask the Father to grant you the grace always to steer the destinies of your country.

Receive my fraternal embrace at the festivities for the 30th anniversary of the Cuban Revolution …

Fraternally,

Cardinal Paulo Evaristo Arns

The National Democratic Front

Jose Maria Sison

Belgium, March 1987

Decker: “What do you mean by the National Democratic Movement?”

Sison: “The National Democratic Front is a broad expression. Its include all patriotic and progressive classes like the working class, peasantry and middle class social strata essentially the urban petty burgeoisie and the middle burgeoisie. This classes pf social strata have their expression in political parties, organizations and articulate individuals. All of this belong to the National Democratic Movement insofar as they espouse the line of national liberation and democracy against US domination and landlord exploitation.”

Decker: “And they are waging their struggles as well on the legal level as on the illegal level?

Sison: “Yes, Various forms of national democratic organizations wage various forms of struggle. There are those engage in legal struggle and there are those engaged in the armed revolution. Examples should be the Communist Party of the Philippines (CPP), and the New People’s Army (NPA), and the National Democratic Front (NDF). “

“There are three process by which the Philippine revolution is to be advanced, these include the building of the Communist Party of the Philippines, the building of the New People’s Army, and the building of the National Democratic Front. The Communist Party of the Philippines was established on December 26, 1968 as the Marxist-Leninist vanguard party of the working class. This party is supposed to be the standard bearer of the working class which is that class that is the most progressive, productive and political force in the Philippines. It is true that a minority class, especially only the party which represent it, cannot win the Philippine Revolution all by itself. At any rate, even while there are forces of armed revolution, there are legal democratic forces in the Philippines. The biggest of these is the Bagong Alyansang Makabayan or BAYAN. It has a membership of more than 2 million members and more than 1,000 member organizations. Its biggest component organization are Kilusang Mayo Uno which is the labor center, the Pambansang Kilusang Magbubukid or the Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Gabriela, the women’s alliance, League of Filipino Students, Alliance of Concerned Teachers, Kadena and so on. As I have earlier pointed out, Partido ng Bayan, founded last August 30 and 31, was an outgrowth of Bayan, the big coalition. It started with 50,000 charter members and as of November 22 last year, its membership rose to more than 500,000. This is

National Democratic Front

not an insignificant party if we compare it with PDP-Laban which is the favorite party of Mrs. Aquino. PDP-Laban has only 200,000 as of November, 1986. Despite the advantage of being in power allows. “

“In the face of terror tactics, and other special measures taken against

Partido ng Bayan, should it withdraw from arena of elecoral and other legal struggles? No, it should not. Not even Marcos enjoying the power of an autocrat could put down BAYAN, the coalition, and all its component organizations. “

————————————————————————————————

 

Ang National Democratic Front at ang iba pang malalaking prenteng organisasyon ang nagsisilbing kalasag na nagbibigay proteksyon sa Communist Party of the Philippines. Ang papel ng NDF ay ang pagpapalawak at pagpapakilos ng mga prenteng legal na samahan sa pamumuno ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan na nagsisilbing payong nito. Ito’y lumalason sa kaisipan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mga adjutational at black propaganda. Ang papel ng Bayan ay ang pakikipag-ugnayan at pagsusuperbisa sa lahat ng mga gawain ng prenteng organisasyon ng Communist party, kung kaya’t di nakapagtataka kung bakit sabay-sabay sila kung sumigaw sa iisang isyu sa iisang lugar at panahon. Malinaw na sila’y sisigaw lamang sa iisang isyu na ipinapagawa ng CPP-NPA. Sa hanay ng mga manggagawa ay namumuno ang Kilusang Mayo Uno na pinamumunuan ni Crispin Beltran, isa sa mga tatlong kinatawan ng Bayan Muna Party List sa kongreso na isa ring orihinal na kasapi ng United Front Committee ng CPP. Isa sa mga taktika ng mga komunista sa pagorganisa sa mga manggagawa ay ang pangakong maiangat ang kalagayan ng mga manggagawatulad ng pangakong itataas ang sahod at benepisyo sa pamamagitan ng pagtatag ng isang palabang unyon.

Communist Party List Representatives

Hindi lahat ng mga kasapi ng KMU ay komunista. Sa bawat grupong nasa ilalim nito ay mayroon lamang tatlo o limang komunista na ang tawag ay Party Group na siyang nagpapatakbo at nagmamanipula sa lahat ng desisyon nito. Dahil sa ang pangunahing punterya ng KMU ay ang pagwasak sa ekonomiya ng bansa, sa kanyang mensahe, sinabi ni Jose Maria Sison na ‘kailangang palakasin ang hanay ng mga manggagawa sa ilalim ng KMU sa pamamagitan ng mga pag-aaklas at welgang bayan upang iparalisa ang pamahalaan at at mga kapitalista bilang paghahanda sa pag-agaw ng kapangyarihang politikal sa pakikipag-ugnayan sa NPA. Dahil sa mga walang kabuluhang welga at di makatwirang demanda ng KM, marami nang kumpanya ang nagsara at marami nang mamumuhunan ang umalis sa bansa, dahilan upang lumaganap ang kawalan ng trabaho ang mga Pilipino.

Ang mga komunista ay matagumpay na nakapasok sa kongreso noong halalan sa 2001 sa pamamagitan ng kanilang sistematikong panlilinlan, at ang pag-gamit nila ng terorismo sa kanayunan sa pamamagitan ng NPA na nagsisilbing mga goons ng Bayan Muna. Naging lantaran ang pangangampanya ng mga teroristang NPA na iboto ang Bayan Muna sa mga lugar na kontrolado nila. Ipinagkaila ng Bayan Muna na sila’y hindi mga komunista kahit pa man ito’y itinatag ng mga taong siyang namuno sa Communist Party. Sa kanilang praymer, sinabi ng Bayan Muna na sekondarya lamang ang kanilang pagsali sa eleksyon. Nangunguna pa rin sa kanilang plata-porma ang pakikipabaka na magmula sa kanayunan bago kubkubin ang kalungsuran. Ang kanilang pagsali sa elksyon at pagpasok sa gobyerno ay upang suportahan at palakasin ang madugong rebolusyon. Hindi nakapagtataka kung bakit itinataguyod ng Bayan Muna ang propaganda na itinataguyod din ng CPP-NPA.

Bilang mga konresista ng Bayan Muna, mayroon na silang makukuhang pondo mula sa gobyerno para ipangtusos sa armadong pakikipabaka ng NPA upang pabagsakin ang gobyerno, ito ang pork barrel na nagmula sa pawis ng mga mamamayan na naghahangad ng kapayapaan. Nagtagumpay din ang Bayan Muna na gawing mga legal chapters nito ang lahat ng mga baseng guerilla ng CPP-NPA, bagay na ikinabahala ng militar dahil ang pagpapatrolya sa naturang mga lugar ay nangangahulugan na na isang paglabag sa karapatang pantao. Sa ganitong kalagayan, malaya nang makapagdala ang Bayan Muna ng mga provisions tulad ng bala, medisina, at baril para sa NPA sa mga panahon na dadalaw sila sa naturang mga base. Namimigay din ang Bayan Muna ng mga identification cardso ID sa mga kasapi ng NP, at sa isang enkentro, ang isang NPA na napatay na hindi nakunan ng armas ay kanilang pinalalabas na ang mga namatay ay mga miyembro ng Bayan Muna at hindi ng NPA.

Pinatunayan sa kasaysayan, na ang tigil putukan ay ang pinakamabisang estratehiya ng mga komunista para palakasin ang kanilang pwersa upang makapaglunsad ng mga opensiba. Habang nakikipagkasundo ang gobyerno sa NDF sa ‘peacetalk’ at habang itinitigil nito ang lahat ng operasyong militar, kasalukuyan namang isinasagawa ng NPA ang pananalakay at pagpatay sa mamamayang Pilipino. Ito’y pagpapakita lamang na ang ‘peacetalk’ ay isa lamang estratehiya ng CPP-NPA. Hindi ito sinsero na makamit ang kapayapaan, dahil sila mismo ay hindi naniniwala na ang pag-agaw sa kapangyarihang politikal ay makakamit sa mapayapang pamamaraan. Kahit si Mao Tse Tung na ang kapayapaan ay makakamit lamang pagkatapos ng isang madugong rebolusyon. Sa panahon ng mga ‘ceasefire’, ang mga isyung tinatalakay ay ang tungkol sa reporma sa lupa.

Ang unyong kaanib ng KMU ay dito na nila uumpisahan ang pagpapabagsak sa kompanya. Isa na rito ay ang paghingi ng mga manggagawa ng mga imposible at hindi makatuwirang mga kahilingan. At kapag hindi napagbigyan, madalas na humahantong sa pagwasak sa mga pasilidad nito. Dahil sa patuloy na pagpaparalisa ng mga negosyo, napipilitang magsara ang mga kompanya na nagbubunga ng kawalan ng trabaho, gutom at kahirapan ng mga pamilya ng mga manggagawa. Ibinubunton naman kaagad ng mga unyon ang sisi at galit sa mga nagmamay-ari ng kumpanya at sa gobyerno. Pero ang katotohanan nito’y ang layunin ng KMU ay ang ibagsak ang lahat ng industriya ng pag-gawa at ang ekonomiya ng bansa. Hindi alam ng isang inusenteng manggagawa na siya nagiging biktima na ng pagkawalang malay sa sitwasyon. Hindi niya namamalayan na sa kanyang paglagda sa petisyon, siya ay isa nang mass member, ito ang unang hakbang patungo sa pagiging isang komunista. Bilang mass member, siya ay sapilitang isasama sa marami pang mga seminar kung saan ang tinatalakay ay ang iba’t ibang kurso ng komunista tulad ng Genuine Trade Unionism o GTU, kursong Pag-gawang Organisasyon, at Araling Aktibista (ARAK). Bilang miyembrong masa, obligado siya na sumama, makigulo sa mga welga, demonstrasyon, at malawakang kilos protesta. Karaniwan na sa mga kilos protesta ay makikita at maririnig ang imperyalismo, pyudalismo at burukrata-kapitalismo, na ayon sa kanilang pinaniniwalaang ideolohiya ay siyang ugat ng kahirapan. Pagkatapos ng unang pagsama sa rally, madali na sa mga komunista ang talakayin sa mga manggagawa ang ganitong bagay. Ang sunod na mga kursong tinatalakay ay ang National Democracy Course, na nagsasaad ng pagtatatag ng isang lipunang hindi di umano kumilala ng mga dayuhan, kaya’t sa susunod na pagmamartsa sa mga kalye, ang mga manggagawang ito ay buo na ang mga kamao at may galit na sa dibdib na sumisigaw laban sa gobyerno at sa bansang Amerika. Dito’y malalagay na siya sa hanay ng mga tinatawag na National Democratic Activist (NATDEM)… ito ang pangalawang hakbang. At sa patuloy na pag-aaral sa mga nakakaalab damdaming mga propaganda, ang isang ordinaryong kasapi ng unyon ay nagiging lider na ng mga pag-aaklas na nakikibaka para sa pagbabago ng lipunan, ngunit sa paglipas ng mga araw, hindi na lamang siya isang pangahas kundi isa nang bayolente. Lingid sa mga manggagawa, ang mga komunista ay nagsasagawa ng mga sabotahe upang may mangyaring kaguluhan. Ibinibintang kaagad nila na ang mga pasimuno ng mga kaguluhan ay ang mga instrumento ng estado at kapitalista na mga pulis at militar. Ito’y isang paraan upang maiangat ang antas ng pakikipagbaka ng mga manggagawa. Isinisigaw din nila na ipinagkait nila ang malayang pagtitipon at malayang pamamahayag. Habang nagngingitngit ang kalooban, patutunayan naman ng mga komunista sa mga manggagawa kung bakit ang pwersa ay kailangang tapatan ng kapwa pwersa. Dahilan upang talakayin naman nila ang isa pang aklat na Philippine Society and Revolution na si Jose Maria Sison mismo ang may-akda. Dito’y naikukundisyon nila ang isip ng mga manggagawa na ang tanging solusyon sa mga problema ng bayan ay ang rebolusyo. Kaya’t sa mga susunod na demonstrasyon, ang isang manggagawa ay makikita sa mga lansangan na paulit-ulit na isinisigaw ang ‘Welgang Bayan! Isulong ang rebolusyon!’. Sa antas na ito, hindi alam ng isang manggagawa na siya ay nasa ikatlong hakbang na sa pagiging komunista bilang isang prospective candidate member ng Communist Party of the Philippines. Dito’y sisimulan na ng mga komunista ang pagbibigay ng leksyon at aklat nila Karl Marx, Mao Tse Tung, Nicolai Lenin, Jose Maria Sison at ilan pang mga aklat ng komunismo.

Kung gusto natin ng pagbabago kailangang maging malawak ang ating kaalaman at karunungan. Pag-aralan natin ang mga nilalaman nito at isagawa natin.’

Ito ang mga simpleng tugon ng mga komunista kung ang mga manggagawa ay nagtatanong kung bakit niya kailangang basahin ang mga ganitong uri ng mga aklat. Kapag ang mga manggagawa ay nagsimula nang basahin ang mga ganitong uri ng aklat, ang mga agam-agam niya ukol sa komunismo ay unit-unti nang maglalaho hanggang sa tuluyan na niyang yakapin ang mga ideolohiyang nilalaman nito. Mula sa pagiging prospective candidate member, aakyat naman siya sa ikaapat na hakbang, ang pagiging candidate member. Bilang candidate member, aanyayahan naman siya matataas na antas na pagpupulong. Dito na tinatalakay ang iba’t ibang kurso ng komunista tulad ng Kursong Oryentasyon ng Partido, Batayang Kurso ng Partido, at Batayang Kursong Pangkadre.

Kapag natiyak na ng mga komunista ang katapatan ng isang manggagawa ang sa mga simulaing kanilang ipinaglalaban, panunumpain na siya bilang isang ganap na kasapi ng Communist Party of the Philippines. Mula sa isang karaniwang kasapi ng unyon na nangangarap ng dagdag na pasahod, sa pagiging aktibista na ang isinusulong ay reporma, sa pagiging rebolusyunaryo at komunista.

 

Partido Komunista ng Pilipinas (CPP-NPA)

Jose Maria Sison

“It is easier perhaps and more comfortable to look back to the solace of a familiar and mediocre past. But the times are too grave and the stakes too high for us to permit the customary concessions to traditional democratic processes.”

Ito ang isa sa mga pangunahing prinsipyo ng dating Pangulong Ferdinand

Marcos kung bakit idinenaklara niya ang Martial Law noong  September 21, 1972, sa bisa ng Proclamation No. 1081. Sa mga panahong iyon, nasa magulong sitwasyon ang bansang Pilipinas bunsod ng kabi-kabilang protesta upang pabagsakin ang rehimen. Maliban sa mga protestang nagaganap sa kalungsuran, unti-unti ring lumalakas ang pwersa ng mga rebelde sa kanayunan na siyang lalo pang nagiging dahilan ng sunod-sunod na kaguluhan sa mga probinsiya. Kung si Benigno “Ninoy” Aquino ang pinakapopular na anti-Marcos sa lungsod at maging sa ibang bansa, si Jose Maria Sison naman ang pinakaprominenteng personalidad sa mga rebelde sa kanayunan.

Si Jose Maria Sison ay naging miyembro ng Partido Komunista ng Pilipinas, o mas kilala sa tawag na PKP, na noon ay lumalaban sa mga imperyalistang Hapones sa Pilipinas sa pamamagitan ng “guerilla warfare”. Noong 1946, itinatag ni Sison ang Patriotic Youth, na grupo ng mga kabataang aktibista na lumalaban sa rehimeng Marcos at sa marami pang tiwaling government officials ng mga panahong iyon.  Makalipas ang apat na taon, nag-umpisang mahati ang PKP nang buuin naman ni Sison ang Communist Party of the Philippines (CPP) sa loob mismo ng partidong kanyang kinabibilangan.  Nakabase ang grupong ito sa kaisipang Marxism-Leninism-Mao Zedong Thought, isang Communist ideology na hinango sa mga turo ng Chinese Communist leader na si Mao Zedong. Dahil sa kritisismo ng mga miyembro ng CPP laban sa pamunuan ng PKP, at ng mismong radikal na katuruan ni Sison, inalis sila sa pagiging miyembro ng orihinal na grupong kanilang kinabibilangan. Habang maka-Soviet ang kaisipan ng orihinal na PKP, maka-Mao naman ang ideolohiyang taglay ng grupo ni Sison; dahilan upang tawagin sila bilang mga “maoist” sa Pilipinas. At habang ang mga miyembro ng PKP ay naghahangad ng pakikipagkasundo sa gobyerno ni Marcos, nanatili namang hostile dito ang mga maoist sa ilalaim ni Sison.

Upang mapaigting ang pakikipaglaban sa gobyerno, binuo ni Sison, sa tulong ng isa pang lider komunista na si Bernabe Buscayno, ang military wing ng Communist Party of the Philippines na tinatawag na New People’s Army o NPA. Ang sangay na ito ng CPP ang siya ngayong nagsasagawa ng guerilla warfare laban sa gobyerno at maging sa mga pamahalaang lokal sa mga lalawigan, lalong-lalo na sa hilagang bahagi ng Luzon. Habang ang mga miyembro ng NPA ay abala sa pagsasagawa ng mga military operations sa mga probinsiya, isa pang grupo ng mga komunista ang binuo ni Sison upang mangasiwa sa mga legal matters ng organisasyon. Ang sangay na ito ng CPP ay tinatawag namang National Democratic Front o NDF.

Ano ang ba ang CPP? Ano ang ideyolohiyang taglay ng grupong ito, na siyang dahilan kung bakit sila ngayon ang itinuturing na “mortal enemy” ng pambasang pamahalaan ng Pilipinas? Paano sila dumarami, at sino-sino ang mga nasa likod ng mabilis na paglago ng komunismong ito?

Sa isang dokumentaryong nakalabas sa worldwide web, kinilala ng mga sundalo ng pamahalaan ang kabuuan ng grupong komunista na binuo ni Jose Maria Sison.

Naging matagumpay ang mga komunista sa pagpapakilos muli sa mga legal na samahan na nagmula sa hanay ng mga manggagaw, magsasaka, estudyante, kaparian, guro, urban poor, at iilang kasapi ng media. Ang papag-aawaywayin ang umano’y dalawang reaksyonaryong pwersa sa hanay ng administrayon at oposisyon ay isang estratehiya ng mga komunista. Ang pagpapatalsik ng isang pinuno ng bansa na hindi umaayon sa dikta nito ay isang pangunahing gawain. Ito’y isang paraan upang magkaroon ng destabilisasyong politikal at mapabagsak ang ekonomiya ng bansa. Upang mailarawan ang pagbagsak ng ekonomiya ay dahil umano sa umiiral na mala-pyudal at malakolonyal na kalagayan sa ilalim ng sistema ng katutubong pyudalismo, burukrata-kapitalismo, at imperyalismong Estados Unidos. Naging sentro ng kanilang black propaganda ang lahat ng mga presidente ng bansa.

Ang kaisipang komunismo na umiiral sa mundo ay nahahati sa tatlong uri ng pakikibaka. Ang mga rebolusyonaryong lokal na yumayakap sa Komunismong Russo o Leninismo ay naniniwala sa parlamentaryo at armadong pakikibaka na pangungunahan ng uring manggagawa kung saan ang insureksyon ay gaganapin sa kalungsuran. Ang dating Partidong Komunista ng Pilipinas (Hukbong Mapagpalaya ng Bayan) na pinamumunuan dati ni Crisanto Evangelista, ng magkakapatid na Lava at Luis Taruc ay kilala bilang mga Leninista. Ang grupong rejectionist na pinamumunuan ng yumaong Filemon “Popoy” Lagman ay yumayakap din sa kaisipang Leninismo, kung saan binigyang diin nito ang pagpapakilos sa uring manggagawa bilang pangunahing pwersa sa gaganaping insureksyon. Ang Komunismong Euro ay naniniwala sa mapayapang pagreporma ng lipunan upang abutin ang Komunismo. Sila’y hindi gumagamit ng dahas ngunit taos puso silang nagbibigay ng suportang pinansiyal sa mga terorista sa ibang bansa bilang pagtaguyod sa di umano’y diwa ng internasyonalismo. Ang Komunismong Intsik o Maomismo ay naniniwala na ang pangunahing pwersa ng rebolusyon ay ang uring magsasaka at kailangan ang isang rebolusyon ay madugo at marahas, at kailangang ito ay magmumula sa kanayuan bago kubkubin ang kalungsuran.

Ang sistematikong pamamaraan ng mga komunista ay ang pag-agaw muna ng mga bansang dati ay kaalyado ng Amerika sa paniniwalang ito ang makapagpapahina nito. Kasaba’y ng pakikipag-alyansa nito sa mga teroristang Islamic sa ilalim ng Al-Qaeda network ni Bin Laden, kaagad na ipinatupad ng CPP-NPA ang isang tactical alliance sa MILF. Pinatutunayan ito nang dumalaw sa bansang Iraq ang kinatawan nitong si Crispin Beltran upang palakasin ang pandaigdigang ugnayan laban sa Amerika.

Ano ang digmaang pangmatagalan ng CPP-NPA na magmula sa kanayunan? Ang matagalang digmaang magmula sa kanayunan bago kubkubin ang kalungsuran ay isang pangunahing estratehiya ng CPP-NPA. Sila’y lubos naniniwala na habang tumatagal ang labanan ay lalong masisira ang ekonomiya ng bansa. Ang pagkasira ng ekonomiya ay isang sangkap na nagbibigay pabor sa rebolusyon.

Ang bansang Pilipinas ay umaasa sa agrikulturang ekonomiya kung saan sietenta porsyento ng populasyon ay uring magsasaka. Sa ganitong populasyon, nakita ng mga komunista na ang pwersang magsasaka ang siyang pakikilusin sa gaganaping maoistang rebolusyon. Kung mawasak ang ekonomiya, dadami ang maghihikahos at dadami rin ang magagalit sa pamahalaan. Ito ang dahilan kung bakit inumpisahan ng CPP-NPA ang rebolusyon sa kanayunan upang masira ang produksyong agrikultura na hahantong sa matinding kahirapan. Kung maghihikahos ang pamayanan ay lalong mapapadali ang paghihikayat nito sa rebolusyon, dahil kahirapan daw ang dahilan kung bakit maraming nagrerebelde. Ang sinimulang matagalang digmaang bayan ng CPP-NPA ang dahilan kung bakit ang mga dati’y humahawak ng araro ay naging mga armado. Sa halip na magtanim sila ngayon ay bahagi na ng madugong rebolusyon. Ang agrikulturang bansa, sa halip na magluwas ay umaangkat na lamang ng pagkain sa ibang bansa. Ang mga magsasaka na ayaw sumama sa rebolusyon ng komunista ay daan-daang umalis sa kanayunan  upang makaiwas sa labanan ng militar at ng komunistang NPA. Isang dahilan kung bakit laganap ang squatters at illegal vendors na nagpapasikip sa mga bangketa at nagpaparumi sa kapaligiran. Ang isang dating magsasaka ay mahihirapang makakita ng trabaho sa gitna ng syudad; di nakapagtataka kung bakit lumobo ang problema ng kriminalidad.

Ang CPP-NPA-NDF ay masigasig sa pangangalap ng mga bagong kasapi batay sa tinatawag na Teorya ng Puting Papel (White Paper Theory). Ayon sa mga komunista, ang karamihan sa mga katutubo at magsasaka sa kanayunan ay parang mga puting papel na ang ibig sabihin ay mga mangmang at madaling malinlang dahil sa kanilang mga blangkong kaisipan. Madali itong masusulatan ng anumang uri ng mga black propaganda. Kadalasan sa mga slogans na ating marinig sa mga katutubo at magsasakang di nakapag-aral ay globalisasyon, liberalisasyon, foreign intervention, militarization. Sa ganitong mga slogans malinaw na nasusulatan na ng mga komunista ang kanilang blankong kaisipan. Dahil sa pangakong tunay na reporma sa lupa, nagagawa ng mga komunista na mahikayat ang mga katutubong magsasaka na sumama sa rebolusyon. Nakakabighani ang naturang mga pangako kaya’t marami ang nag-aakala na ang ipinaglalaban ng mga komunista ay ang kapakanan ng mga magsasaka; ang hindi nilalaman ay walang land reform sa komunista.

Isang estratehiya ng CPP-NPA at Bayan Muna upang paigtingin ang galit ng taong-bayan laban sa pamahalaan ay ang paulit-ulit na pagtalakay sa isyu ng kahirapan. Totoo at di natin maipagkakaila na malala na ang kahirapan sa ating lipunan. Ngunit habang sumisigaw at patuloy na nagrereklamo ang mga komunista hinggil sa kahirapan, walang nangahas na ibulgar na ang katayuang ito ang nais na mangyari ng mga komunista. Habang inaakit ng pamahalaan ang mga kapitalista na mamumuhunan sa ating bansa upang malutas ang suliranin ng kawalan ng trabaho, ang mga komunista, sa pamamagitan ng Kilusang Mayo Uno, ay abala sa pag-oorganisa sa mga manggagawa upang mag-aklas laban sa mga kapitalista. Ang pagpapasara sa libo-libong mga kumpanya ay nagdulot ng kawalang trabaho na siyang dahilan upang maghirap ang sambayanang Pilipino. Ang mga komunista ay katulad ng mga mandirigma na mayroong dalawang sandata, ang tabak at ang kalasag. Pinamumunuan ni Jose Maria Sison ang partido habang ito ay nagtago at nagpapasarap ng buhay sa bansang The Netherlands. Ang tabak ay kumakatawan sa pakikipagbaka o sa madugong rebolusyon. Upang ganap na mapatupad ay itinatag nito ang New People’s Army o ang NPA. Bilang mandirigma, ginagamit nito ang tabak upang patayin ang kalaban. Ang itinuturing nilang kalaban ay ang mga opisyal ng gobyerno na ayaw sumoprta, mga pulis, militar, at mga sibilyan na ayaw yumakap sa ideolohiyang komunismo. Ang kalasag ang kumakatawan sa National Democratic Front. Tulad ng kalasag, ang NDF ay ginagamit ng mga komunista upang bigyang proteksyon ang ulo at katawan nit, ang Communist Party. Ang pangunahing gawain ng NDF ay makuha ang simpatya ng mga nasa gitnang pwersa o ang burgeoisa. Ang NPA at NDF ay pawang nasa ilalim ng kontrol ng komite sentral ng Communist Party. Ngunit parati na lang pinalalabas na ang NDF umano ang nagsisilbing sa lahat ng mga militanteng samahan upang palabasin na ang Communist Party ay walang kontrol sa lahat ng mga rebolusyunaryong samahan. Ito’y isang panlilinlang upang maiwasan ang pagbanggit ng salitang ‘Komunista’.

Gamit ang isyu ng land reform, ang NPA ay pumapasok sa mga barangay upang magtatag ng mga sangay ng partido, magtatag ng hukbong armado, at magtatag ng nagkakaisang prente. Ang mga ‘semi-legal team’ ng CPP-NPA ang unang papasok sa isang barangay upang magsagawa ng imbestigasyong panlipunan at pagkilala sa uri ng mga mamamayan sa barangay. Sa pamamagitan ng SLT malalaman nila ang lahat ng impormasyon ukol sa katayuan ng isang barangay, kung sino-sino ang mga opisyal nito at ang pag-alam kung ano ang kabuhayan ng mga nakatira dito. Pilit ring kinikilala ng mga komunista kung sino ang mga biktima ng paglabag ng karapatang pantao, at kung sino ang mga naghihikahos, dahil dito nila isesentro ang panggagatong ng kanilang mga black propaganda. Ang mga kasapi ng ‘SLT’ at ‘POT’ ay pawang magagaling sa adjutational propaganda. Nagagawa nilang mahikayat ang ilang mga piling mamamayang progresibo upang makinig sa isang patagong pagpupulong na kung tawagin ay Teach-In (E.D.) Ang mga paksa sa pagpupulong na ito ay nakasentro sa pagtalakay sa pagreporma sa lupa kung binigyang diin nito ang rebolusyunaryong agraryo at mga repormang panlipunan. At sa paulit ulit na pagpupulong ay magagawa nilang ang masa upang magkimkim ng galit laban sa pamahalaan. Ang mga naunang ‘contacts’ sa barangay na naging katuwang sa SLT at POT ay tinagurian nilang mga grupong tagapag-ugnay o Barangay Liason Group. Kung mayroon nang sapat na bilang ang mga grupong tagapag-ugnay, gagawin na itong isang grupong tagapag-organisa o Barangay Organizing Group. Dito sisimulan na ang pag-oorganisa ng mga taong nakasama sa kanilang mga pag-aaral – ang pagtatag ng Samahan ng mga Magsasaka, Samahan ng Kababaihan, at Samahan ng Kabataan. Ang pagtatag ng mga samahan ay isang konkretong basehan ng pagpasok ng mga kasapi ng Sandatahang Yunit Propaganda o SYP ng CPP-NPA upang magsagawa naman ng mas malalim pang propaganda at gawaing pangmasa. Sa ganitong sitwasyon, ang barangay ay maituturing nang isang ‘infiltrated’. Ang isang infiltrated barangay ay maituturing na isang trahedya sa mga mamamayan na ayaw yumakap sa ideolohiyang komunismo. Ang mga magtangkang magsumbo sa militar hinggil sa presensya ng NPA ay pinapatawan ng parusang kamatayan sa harap ng marami upang magsilbing babala sa may balak pang magsumbong. Pinagpapatay ang lahat ng sumasalungat sa mga patakaran ng NPA. Ayon sa baluktot na katwiran, nililinis lamang nila ang masasamang elemento sa loob ng barangay. Sa ganitong sitwasyo, napipilitang pumasok sa loob ng barangay ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas upang tugunan ang hiling ng nakakaraming mamamayan na sugpuin ang karahasan ng NPA; upang salubungin lamang ng mga kilos protesta mula sa hanay ng mga organisadong masa. Ilan sa mga legal na samahan ng mga komunista na nangunguna at nanunulsol sa mga organisadong masa laban sa di-umano’y militarisasyon sa barangay ay Karapatan Human Rights Alliance, Promotion of Church People’s Response at ang Gabriela. Ang pagkakaroon ng solido at organisadong masa sa isang barangay ay isang pangunahing sangkap ng mga komunista upang itatag ang isang ‘shadow government’ na kilala sa tawag na Revolutionary Barangay Council, o sangay ng partido sa lokalidad. Sa sitwasyong ito, ang barangay ay maituturing nang isang Influenced barangay.

Ang CPP-NPA ay matagumpay na nakapagtatag ng isang hukuman na tinatawag nilang People’s Court na para daw sa mga mahihirap… ito ang tinatawag na Kangaroo Courts. (Isa sa mga hinatulan ng maximum penalty ng Kangaroo Courts ay ang dating NPA leader na si Romy Kintanar. Ayon sa isa pang dating NPA leader na na-assign sa Samar na si Jun Alcover, ang People’s Court, na tinawag din niyang Kangaroo Court, ang siya ring nagpa-file ng kaso, nagsasagawa ng hearing at siya nag-eexecute sa mga akusadong miyembro; isang sistemang kwetyonable ang sinasabing ‘fair trial’. Wala umanong abogado ang akusadong inihaharap sa hukumang ito, ayon pa kay Alcover.) Ang naibabang hatol ng hukumang ito ay hindi  ibinabatay sa mga testigo, ebidensiya at proseso ng paglilitis, kundi sa kung ano lamang ang palagay at paniniwala ng Partido. Ang isang taong pinaghihinalaan pa lang ay pwede nang mapatawan kaagad ng parusang kamatayan, at wala siyang karapatang mag-apela sa husgadong ito.

Ang mga paksa tungkol sa karapatang pangtao ay madalas na ginagamit ng mga komunista bilang propaganda laban sa demokratikong gobyerno. Sa pamamagitan ng pagmanipula sa mga ganitong usapin, nalilinlang nila ang taong bayan na kasuklaman ang gobyerno habang unti-unti nilang nakukuha ang simpatya ng publiko. Subalit ang katotohanan ay walang human rights commission ang mga bansang pinaghaharian ng mga komunista. Para sa kanila, ang mga komunista lamang ang may karapatan, dahil ang pangunahin nilang adhikain ang pagtatag ng lipunang walang uri.

Ang mga Local Militia o Militia ng Bayan sa barangay na walang pormal na pagsasanay militar ang kalimitang nagsisilbing pangunahing depensa ng mga komunista laban sa mga sundalo ng pamahalaan. Sa ganitong istraktura, masyadong nahihirapan ang militardahil bago nila makubkob ang mga sona at baseng guerilla ay may mga harassment ang mga local militia sa barangay sa pamamagitan ng ‘hit ‘n run tactic’ bilang pagsunod sa utos ng nakatataas na rebolusyonaryong komite. Dahil s akakulangan ng pagsasanay, kalimitan sa mga labanang ito ay ang mga mga masa at local militia ang nasasawi. Ang anim na talampakang lalim ng lupa ay ang tunay na reporma sa lupa na ipinangako ng mga komunista. Ang buong akala ng militar na malaking kawalan sa panig ng mga NPA ang naturang pagkakapatay sa mga rebelde, ipinagmalaki pa nila sa kanilangmga  press releases ang pagkasawi ng  sampung rebeldeng NPA sa isang lehitimong enkwentro. Matapos ang sunod sunod na protesta gamit ang mga kamg-anakan ng mga napatay na NPA, uumpisahan nanaman ng mga komunista ang panggagatong at pangangalap ng mga bagong kasapi ng kilusan. Hindi ikinalulungkot ng mga komunista ang pagkamatay ng kanilang mga masa o local militia, sa halip ito’y kanila pang ikinatuwa dahil alam nilang marami nanaman sa mga kamag-anakan ng mga napatay ang laban sa pamahalaan at militar. Ang mga komunista ay walang pagpapahalaga sa buhay ng isang tao, dahil ang pangunahing layunin ng komunismo ay ang pagkitil sa maraming buhay ng iba’t ibang uri ng tao upang makamit lamang ang lipunang pantay-pantay sa ilaim ng lipunang komunismo.

CPP-NPA

(Ayon sa prinsipyo ni Karl Marx… “It is necessary to kill a large segment of the population in order to attain the basic objective of communism.”)