The Cult of the “Son”

 

-

The following is an interview made by the journalist Che-Che Lazaro of Probe Team to Pastor Apollo C. Quiboloy of Kingdom of Jesus Christ, the Name Above Every Name, which aired last Dec. 16, 2009. Also included are those statements given by former and present members of his so-called “Kingdom”.

(Tagalog)

Che-Che: Meron pa ho bang ibang mga ah ineexpect na monetary contribution sa mga miyembro? Maliban sa tithes and offering?
Quiboloy: Merong mga sacrificial giving pero kapatong na yun sa offering.
Che-Che: Ano po yung sacrificial giving?
Quiboloy: Yung offering, it is up to you eh. So, give and it shall be given. Its up to you. The tithes is up to God. Do not change the ten, because its up to God. The offering is up to you. According to the measure you have given, is the measure that will come back to you. So its up to you.

Che-Che Lazaro

Isa si Erlinda Rillon sa mga nanalig kay Pastor Apollo Quiboloy. Dating born again Christian, naengganyo daw siya at ang kanyang asawa na lumipat sa Kingdom of Jesus Christ, the Name Above Every Name, nang mapanood si Pastor Apollo Quiboloy sa telebisyon.

Erlinda: Maganda magpreach si Quiboloy noon. Hanggang, sabi nga ng asawa ko… napanatiko rin yung asawa ko eh. ‘Ma, hanapin mo nga yung simbahan nila Quiboloy mukhang maganda.

2002 nang magsimula silang dumalo sa lingguhang pananamba ng kingdom.

Erlinda: Parang alagad siya ng Dios talaga. Na tunay. Parang nagsabi pa siya nga yung sa Biblia pa talaga kinukuha niya.

Ano ka dito… may oil pang kasama dito. Magbigay ka ng pera rin. Kasi gamot ko daw ito. (she showed a card). Gagaling ka daw dito.

Pero hindi nagtagal, iba rin ang nakita ni Erlinda.

Erlinda: Ito pa lang Kingdom of Jesus Christ na simbahan, front lang yun! Para maka-solicit siya ng pera. Ginamit niya ang mga members maghanap buhay para sa kanya, para yumaman siya lalo.

Bukod sa karaniwang ikapu ng kita ng miyembro, may iba pa palang obligasyon ang bawat tagasunod ni Pastor.

Erlinda: Nagbigay ka halimbawa ng 500. Ito para sa love offering… ito ang tithes mo, 200. Yung 100 para sa TV. Tapos, para sa venue, love offering. Basta hati-hatiin mo na yun.

Che-che: Is there such a thing as a TV fee?

Quiboloy: We have. Kasama na yun sa offering.

Che-che: Ah kasama na ho yun.

Quiboloy: Yung offering kasi, Che, is a sacrificial offering, love offering, andun na yung mga donations, nasa sa iyo na kung anong gusto mo.

Che-che: Ano ho yung wave offering?

Quiboloy: Wave offering is what we get on Sundays. Kasama pa rin sa offering yun.

Che-che: (laugh) Ak ok. Dami no?

Quiboloy: The wave offering is still up to you. Kung ayaw mong magbigay, its up to you.

Paliwanag ni Pastor, hindi daw sapilitan ang pangangalap ng kingdom ng offering mula sa kanilang mga miyembro.

Quiboloy: We do not require it as it if na nakautang ka sa akin. It is through obedience pa rin, kasi espirito na yan eh.

Pero sa isang memo noong September 28, 2003, pinirmahan mismo ni Reverend Apollo Quiboloy, Son of God, ipinakita sa amin ni Erlinda na nakasaad na duty and responsibility ng bawat miyembro ang makilahok sa Month of Sacrifice, kung saan ang target na maibigay ni Erlinda ay P 10,000. Iba pa ang target na ibibigay ng kanyang asawa. May mga kakilala rin silang may kaya na mas malaki pa ang hinihingi ng kingdom.

Walang hanap-buhay kundi ang maliit na sari-sari store, umaabot daw sa P4,000 kada-buwan ang naibibigay nila sa Kingdom.

Erlinda: Alam mo yung church namin… eh di inupahan ang venue… pagkatapos kaming magsimba, isarado muna ang pintuan.. hindi kami palabasin. Magmeeting muna tayo.

Ano pinagmeetingan natin? Hindi, yung bayad natin sa venue, sabing ganun. Magkano? 1,500 hati-hatiin natin. Ikaw 200, ikaw 100, ikaw 50, ganun. Sabi kong ganun, ‘bakit magbayad tayo, di ba may tithes na tayo? May offering na tayo? Hindi daw. Para sa Panginoon yun.

Nori Cardona (Chief-of-staff): Pagpasok mo dito (kingdom), ano dapat ang

Nori Cardona (Quiboloy's Chief-of-saff)

buhay natin? Yung kingdom culture… what’s the kingdom culture? Yung sinabi nyong may tithes…

Che-Che: Kung member ako, magmintis ako ng tithes this Sunday?Meron bang consequence yun?

Nori Cardona: Tatanungin. Fafallow-up in, bakit may problema ba?

Kung walang trabaho ang miyembro, aalalay daw ang kingdom.

Quiboloy: Tinuturuan na namin sila ng livelihood. Kung paano mag set up ng mini-store. O kaya maliit na puhunan lang makakapagtinda ka na.

Che-Che: From there they tithe?

Quiboloy: They tithe.

Che-Che to Cardona: Sino ang namumuhunan nun?

Cardona: Sila mismo. Doon mismo sa members, nagtutulong tulong sila.

Patty: Ang purpose daw nyon is not only raising money. Is to help your spirit daw to humble, para maalis daw yung ego mo. Imbis na pupunta ka sa Jollibee (a fast food chain), wag na lang kasi mapressure ka din kung hindi mo bayaran yung kota mo nyang Sunday na yan.

Dating District Coordinator ng Kingdom si Patty, isang propesyunal, marami daw ang nagtaka kung bakit siya napasama sa organisasyon?

Patty: Ibig sabihin na ano… kaalaman mo, pero…parang its a humiliating ano pa rin sa akin.

Kwento ni Patty, hirap na hirap daw ang mga miyembro sa pagpopondo ng mga pinupundar ni Pastor. Ito daw ang dahilan kung bakit tumiwalag siya sa Kingdom.

Patty: Being a leader, mapressure ka talaga. If they say you have to produce like this, you have to motivate your men or the people under you… the members under you to produce that thing. You have to pressure them to ‘gawa ng paraan’. Kasi yung ano, yung word sa kingdom ‘gawa kayo ng paraan’.

Para makalikom ng pera, may ilang istilo daw na itinuturo ang kingdom.

Patty: Magtinda talaga sila. Or bigyan sila ng ministry ng itinda.

Mag-imbento kami ng ano, ng religious organization. ‘Sir, paki-ano…ah…ah… donation para sa ano…’

Sa kanila, hindi daw pagsisinungaling yan. Its just ahm… using the wisdom. God gave you wisdom to use.

Ilang araw kaming umistambay sa harap ng headquarters ng Kingdom sa Quezon City. Tuwing ala-sais ng umaga, ilang pila ng pampasaherong bus na puno ng tao ang lumalabas ng kanilang compound.

 

Erlinda Rillon

Kung saan saan nagpapasikot-sikot ang kanilang bus, hindi naman nagsasakay ng pasahero. Tadtad ng stickers ang plakang ni hindi na mabasa ang nakasulat. Isa-isang ibinababa ng bus ang mga pasaherong may dalang malalaking supot o kaya’y guitarra. Meron ding bumaba sa supplier ng chichiria. Nakabili kami mula sa isa sa mga batang babaeng nanggaling sa Kingdom.

Arlene Rillon

Che-Che: Yung mga naglalako ho, karamihan bata ano? Do you get permit for them?

Quiboloy: Yes…

Che-Che: Do you have permit?

Quiboloy: They have a business permit.

Che-Che: So, this is an official activity? Yung nagbebenta sila… they go out into the streets?

Quiboloy: It is a sanctioned activity. It is permitted.

Ayon sa DSWD (Department of Social Welfare and Development), walang permit ang Kingdom o ang Children’s Joy para mag solicit. Bukod sa Children’s Joy, hindi rin rehistrado ang ibang mga foundations sa ipinakita sa aming mga solicitation notes. Katunayan, marami na silang mga nakumpiskang mga lata galing sa mga foundation ng Kingdom.

Ang kaisa-isang anak ni Erlinda na si Arlene ay isa daw sa mga nakaranas magtinda para makapagbigay ng tithes at offerings. Ipinakita niya sa amin ang mga kompyutasyon ni Arlene ng pinagbentahan at ang listahan kung saang ministry ng kingdom niya ibibigay ang mga ito?

Erlinda: Yung pinapatinda-tinda na goodies. Yun, yung mga goodies?! Mga kanin-kanin? May kota sila! Yung anak ko, 2000 ata isang linggo.

Nagulat daw si Erlinda sa pagkahumaling ng anak.

Erlinda: Yung baon pa niya, minsan nagugutom na… binawas niya kasi i-tithes niya sa ano…

May bahay kasi kaming maliit sa taas, doon sa UP Village. Sabi ng anak ko, ‘may pera pa tayong kaunti, Ma. Ibenta mo na yan lahat Ma lahat. Kasi punta na tayo sa Davao… i-ano natin sa simbahan, ibigay… ‘Ano ka hilo!’Donate mo yung pinaghirapan namin ng papa mo?

Nagsimulang umalma si Erlinda sa mga patakaran ng Kingdom, lalo na sa mga pinagagawa nito sa mga kabataan tulad ng kanyang anak.

Erlinda: Exam nila yung ano ba yun? Mid-term ba yun? Pinipilit na magpunta yung anak ko sa ano… sa Cavite. Kasi nga magsolicit nga sila. Ginawa kasi siyang youth leader doon.

Bilang youth leader ng kingdom, napasama daw si Arlene sa dalawang-linggong youth conference sa Davao noong April 2004. Pero lumakad daw ang mga buwan, hindi nakauwi ang kanyang anak.

Erlinda: Tuloy-tuloy na! Tapos sinabi pa niya na ‘Mama, wag na masyado mag ano… baka iconfiscate na yung cellphone namin di na kami makatawag. Kasi bawal daw mag-gamit ng cellphone doon.

July 2004, dalawang-buwan makalipas ang takdang araw ng takdang pag-uwi ng anak, nag execute ng writ of habeas corpus sila Erlinda pero nadismiss ito. Di nagtagal, nagbigay ng affidavit ang kanyang anak na hindi daw labag sa kanyang kalooban ang pagtira niya sa headquarters ni Pastor sa Davao. Galit na galit si Erlinda.

Erlinda: Tinanong ko kung totoo, totoo naman eh! Hindi yan ang gawain ng tunay na Kristyano. Ba’t ayaw pauliin ang anak ko?

Pinabulaanan ni Pastor Quiboloy ang mga bintang ni Erlinda.

Quiboloy: Mali po yun. Lahat dito, they have their own freedom of choice. Nandito ka, it is your choice like me. Kung ayaw mo na dito, the gates are widely open.

Sinampahan ng kasong libel ng kampo ni Quiboloy si Erlinda noong January 2005. Nakulong si Erlinda pero pinalaya rin kinabukasan ng makapag-piyansa ng halagang 20,000 pesos. Nitong 2007, iniurong ang kaso laban sa kanya. Lumapit na si Erlinda sa gobyerno, media at iba’t ibang organisasyon para mabawi si Arlene mula sa grupong pinaratangan niyang mangingidnap at manggagantso. Pero mahirap daw banggain si Pastor Quiboloy.

Masama ang loob ni Erlinda sa anak, dahil minsan lang daw nadalaw ni Arlene ang amang naratay sa ospital.

Erlinda: Ayaw ba niyang masolo ko siyang kausap… ayaw niya. Bakit ka nandito sa ospital Pa? Papa, wala ka namang sakit.’ (Arlene said). Dahil sila pala hindi umiinom ng gamot. Hindi sila umiinom ng gamot. Prayer lang dun kay Quiboloy, ang ano nila. Kahit mamatay ka na.

2006 namatay ang anak ni Erlinda. Hindi nakarating sa burol si Arlene.

Erlinda: Nakiusap ako! Na pauwiin nyo naman kahit sa pagburol. Kaya yung asawa ko 11 days na nakaburol kasi hinintay talaga siya.

Sa prayer mountain, ipinakilala sa amin ni Pastor si Arlene. Kwento niya, alam niyang hindi na mabuti ang kalagayan ng kanyang ama bago pa man siya umalis.

Arlene: Meron na siyang yung sa puso… Parang ano po…parang… ‘nung time na yun nagkakasunod-sunod na po yung kaso, ma’am, parang inatake na siya ng ano…

Che-Che: Dahil sa ‘yo?

Arlene: Oo… hindi naman… syempre nag-iisa po kasi akong anak. So yung nangyaring yun, parang mabigat sa kanila.

Natanong ko siya tungkol sa hinanakit ng ina.

Che-Che: Nakipaglibing ka ba sa father mo?

Arlene: I wasn’t able to go there ma’am because we have an activity here.

Che-Che: Is it not important that you have missed your father’s funeral?

Arlene: As their daughter, kailangan ko talagang magpunta dun ma’am, pero that time there was a very big occasion here at the kingdom and I had a very big responsibility here also. That’s why I’m … I…I… I apologized to my mom when she called me.

Che-Che: Do you have any regrets not having gobe to your father’s funeral?

Arlene: I don’t have any ma’am...

Che-Che: No regrets?

Arlene: No regrets.

Hanggang ngayon, hindi pa nakakabisita man lang sa puntod ng kanyang ama si Arlene. Takot siyang bumisita sa Baguio.

Ipinaliwanag sa amin ni Patty ang mentalidad ng mga taga Kingdom.

Patty: For them, they are not blinded. They don’t accept na blinded sila. Sa atin, yan ang interpretation, but sa kanila, hindi. Tayo ang blinded, sila ang hindi.

Mag-aanim na pung taong gulang na si Pastor. Solo niya ang pagmamay-ari ng lahat ng ari-arian ng Kingdom. Siya rin lang ang pinaggagalingan ng mensahe nito.

Che-Che: What happens if you’re not here? What is the succession plan?

Quiboloy: This is a spiritual movement. What is important here is the message. I am the central figure in the sense that I am their model. Pero all of them will become like me.

Nori Cardona: Hindi siya matatapos kasi this kingdom is forever naman.

Patty: I thank God because nakalabas ako. And yung nakalabas ako, it was a great blessing. Kasi nakalabas ako. And it was also a struggle. Kasi yung iistruggle ko sabi ko, ‘Lord, you allowed me to enter into this organization, please help me to get out. And God made a way.


 

Advertisements

10 comments on “The Cult of the “Son”

  1. i knew the rillon family back 10 yers ago. manang linda was a good mother and wife. i once attended their churcn i baguio and true they are giving tithes. arlene then was in hi scul. she is dearly loved by her parents and as a saw arlene was an obedient child. i know from all the write -ups i read and analyzed she was brainwashed coz i saw her i n tv as one of the singers of the movement. i pity her and manang linda coz she is their only child.

  2. i was saddened thatit goes this far coz arlene quitted her college education. it’s good to serve god but you will not also abandon or neglect your family esp. in times they needed you most. i wonder why she will no longer want to visit her mother. i don’t want to comment about their movement but it brings no good to the family.

  3. grabe nangyayari na ngayun ito sa pamangkin ko who is only 15 years old but praise GOD na discern agad namin ng maaga cuz of her actions iba na talaga kaya pull out agad namin pero iba na talaga ang mga reasoning nya and true na ang mga kabataan na bre-brainwashed kasi if she’s already 18 daw mag stay na sya sa davao.. OH LORD please give us the grace of understanding and discernment esp those who are already members, help them FATHER in JESUS CHRIST NAME! amen!

  4. Fuck u Quiboloy. You are a devil in disguise, corrupting minors, indolent and ignorant people. There is one Jesus Christ, the Redeemer. And He has redeemed all human kind of all ages thru his death. I hope you see the Light. You are not the Way, The Truth and the Life. You are a charlatan gifted by the devil himself. Repent. Your days will be over soon

  5. anu kaya gingawa nitong pastor na to sa mga kasama nyang babae?napakayaman na nitong pastor na to,,my private jet helicopter mansions at my big bike pa..paborito nitong pastor na to yung mga foreigner kc malaki magbgay..go to hell

  6. you dont know what you say….don’t judge us in physical…see us in spiritual things…this ministry through the Son will not last long if he did not endure those persecutions and trials along the 2 mountains within two years together with the Almighty Father…Father bless those who give negative comments…

    • No one judge anyone. We’re after the doctrines of a certain church comparing these to what was written in the Holy Scriptures. My summon is to let every reader to be aware of their spiritual decisions, that we, in order to be saved, should adhere with the truth and that truth is the Word of God written in the Bible. Mr. Apollo Quiboloy, who claims to be the Son of God, teaches absurd teachings out from the Bible and that he’s using religion to enrich himself as what was visible today. He’s teaching non-biblical collection like love offering, wave offering, monthly sacrifice, etc. Are these written in the Bible? Definitely not, and the members are obeying him blindly simply because Quiboloy let his members to be ignorant of what was written. The Roman Catholic Church also endured her hard times in the middle of the most barbaric kingdoms in Europe and stands as the one of the most powerful religious institution in the world today, but it doesn’t makes them the true church, so as Quiboloy’s. We should be saved by the Word of God, and not by unscriptural words of a professed preacher.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s